erastofilms

Baron Geisler did not expect to win

In Uncategorized on May 11, 2010 at 3:14 am

BARON DID NOT EXPEXT TO WIN

July 23, 2008

Hindi na napigilan ng young actor na si Baron Geisler ang umiyak habang tinatanggap at nag-i-speech sa harapan ng mga nanoood ng awards night for Cinemalaya kagabi, July 20, sa CCP Theater.

Si Baron ang itinanghal na best actor para sa pelikulang Jay. Kahit umiiyak, nagawa pa rin magbiro sa umpisa ni Baron na hindi niya raw ine-expect ang pagkapanalo kung kaya’t may ginawa na siyang speech in advance.

Nang makausap na nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Baron after mag-photo op ng mga winners, sinabi niyang hindi raw niya ine-expect na siya ang makasungkit ng Balanghai trophy ng Cinemalaya for Best Actor.

“Hindi…marami kasi akong nababasa. E, kapag mga ganitong bagay, kapag nano-nominate ako, nawawala ako sa sarili. Siyempre, sobrang high. So, gumawa ako ng speech galing sa puso ko at hindi ko napigilang umiyak dahil ang daming review rin sa kid [Julian Duque] doon sa pelikulang Boses. Lahat ng sumali, makikita n’yo na lahat, mahuhusay po,” simulang pahayag ni Baron na obviously, hindi pa masyadong nakaka-recover sa pagkapanalo niya.

Nasa isang tabi lang daw siya nang ina-announce na ang category nila kunsaan, katabi raw niya ang kanyang ina.

“To tell you the truth, doon nga po ako sa side, pagkatapos naming mag-present, nagtago na ‘ko sa side. At sabi ko nga, you know what, I’ll give this to the kid. Kasi this kid…he deserves it, he’s good,” sey ni Baron na umaming hindi nga lang daw siya nagkaroon ng chance na mapanood ang Boses kunsaan, bida ang batang biyolinista na si Julian Duque.

“Hindi ko siya napanood, pero, ang daming nagsasabi sa akin na maganda nga raw ang feedback, magaling yung bata. So, ang ginawa ko, umikot na lang ako at tinabihan ko ang mommy ko. So, siguro, siya yung nagbigay sa akin ng good luck.

“E, ang mommy ko, ngayon lang sumama sa akin. Ang hirap pasamahin ng mommy ko, e. So, siguro, siya rin ang nakapagbigay ng good luck charm sa akin.”

Iniaalay raw niya ang kanyang tropeo sa lahat ng bumubuo sa pelikula nilang Jay.

“Minsan umiiyak kami, nagmamakaawa kaming manghingi ng pera. Very humbling yung experience, so, it’s all worth it. Maraming salamat po.”

PEP asked Baron kung gaano kaespesyal sa kanya ang award?

“Ah, it’s very special pero, hindi pa ‘ko makapag-isip sa totoo lang, pero it’s very special. At mas special ang pelikula at ang mga taong gumawa at nagbuo ng Jay kesa sa award na ito siyempre.”

Hindi lingid sa lahat ang pinagdadaanan ni Baron ngayong mga isyu at intriga sa buhay niya. Puwede niya kayang masabi na kahit paano, he feels vindicated because of his award?

“Wala pong kinalaman ang award na ito sa mga isyung nangyayari sa akin, pero, itong award na ito ang makakapagbigay sa akin ng alaala. Na ayusin natin ang ating trabaho at maging mas matino or mabuti tayong tao.”

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.